Panitikang Amerikano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Panitikang Amerikano Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Jump to navigation Jump to search Ang Panitikang Amerikano ay ang naisulat o gawang pampanitikang nagawa sa pook ng Estados Unidos at Amerikang Kolonyal. Para sa mas espesipikong mga pagtalakay sa panulaan at teatro, tingnan ang Panulaan ng Estados Unidos at Teatro sa Estados Unidos. Sa kapanahunan ng maagang kasaysayan nito, isang serye ng mga kolonyang Britaniko ang Amerika sa silanganing dalampasigan ng pangkasalukuyang panahong Estados Unidos. Kaya't ang tradisyong pampanitikan nito ay nag-uumpisa bilang nakakawing sa mas malawak na tradisyon ng panitikang Ingles. Subalit ang natatanging mga katangiang Amerikano at ang lawak ng produksiyon nito ang karaniwang nakapagsasanhi upang ituring ito bilang isang nakahiwalay na daan at tradisyon Panitikang kolonyal[baguhin | baguhin ang batayan] Ilan sa pinakamaagang mga anyo ng panitikang Amerikano ay mga pampleto o mga sulating pumupuri sa benepisyo ng mga kolonya kapwa sa madlang Europeo at kolonista. Maituturing si Kapitan John Smith bilang unang may-akdang Amerikano dahil sa kanyang mga gawang: A True Relation of ... Virginia ... (1608) at The General Historie of Virginia, New England, and the Summer Isles (1624). Kabilang sa ganitong mga uri ng manunulat sina Daniel Denton, Thomas Ashe, William Penn, George Percy, William Strachey, Daniel Coxe, Gabriel Thomas, at John Lawson. Naging paksa din ng maagang mga pagsusulat ang mga alitang pampananampalataya na naging nagbigay ng dahilan sa pagkakaroon ng maliliit na mga pamayanan sa Amerika. May isang aklat-talaan o talaarawan isinulat si John Winthrop na tumalakay sa pundasyong relihiyoso ng Massachusetts Bay Colony. Nagtala rin si Edward Winslow sa kanyang talaarawan ng hinggil sa unang mga taon pagkalipas ng pagdating ng Mayflower. Kasama sa iba pang mga manunulat na naimpluwensiyahan ng relihiyon sina Increase Mather at William Bradford, may-akda ng talaarawang nalathala bilang Kasaysayan ng Taniman sa Plymouth, 1620–47. May ibang katulad nina Roger Williams at Nathaniel Ward na mas mabalasik na tumalakay sa paghihiwalay ng estado at ng simbahan. Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Panitikang_Amerikano&oldid=1653665" Kategorya: Estados Unidos Panitikan Nakatagong kategorya: Stub (Panitikan) Stub (Estados Unidos) Mga lathalaing dapat palawigin Menu ng paglilibot Mga pansariling kagamitan Hindi naka-login Usapan Mga inambag Lumikha ng account Mag-login Mga ngalan-espasyo Artikulo Usapan Mga baryante Mga tingin Basahin Baguhin Baguhin ang batayan Kasaysayan Karagdagan Hanapin Paglilibot Unang Pahina Mga nilalaman Napiling nilalaman Mga kaganapan Alinmang artikulo Pakikihalubilo Patungkol Pamayanan Kapihan Mga huling binago Magkaloob Makipag-ugnayan Tulong Mga kagamitan Mga nakaturo rito Kaugnay na mga pagbabago Mag-upload ng file Mga natatanging pahina Permanenteng kawing Impormasyon ng pahina Sumangguni Item na Wikidata Ilimbag/iluwas Lumikha ng isang aklat Ikargang-pakuha bilang PDF Bersiyong maililimbag Sa iba pang mga proyekto Wikimedia Commons Sa ibang wika العربية Asturianu Azərbaycanca Беларуская Български বাংলা Bosanski Català Čeština Dansk Deutsch English Español Eesti فارسی Suomi Français हिन्दी Hrvatski Magyar Bahasa Indonesia Italiano 日本語 ქართული 한국어 Kurdî Latina മലയാളം Nederlands Norsk bokmål ਪੰਜਾਬੀ Polski پنجابی Português Русский සිංහල Simple English Slovenčina Slovenščina Српски / srpski Svenska தமிழ் Türkçe Українська Tiếng Việt Winaray 中文 Bân-lâm-gú Baguhin ang mga kawing Huling pagbabago: 12:48, 15 Agosto 2018. Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye. Patakaran sa paglilihim Tungkol sa Wikipedia Mga pagtatanggi Bersiyong pantelepono Mga tagapagpaunlad Statistics Cookie statement